Haggard Day?

Hindi ko pinasukan ang first subject ko ngaun. Wala lang, ayoko lang.
Isa pa, pagod din kase ako. Alas-dose na nga ko nakauwi kahapon dahil sa group report namin sa maarteng gay prof namen. Anchiki niya, ambisyosa!! Joke. ;p
Hindi ko man lang nabati si Talens, pinabati ko nalang, kaso.. ewan ko kung nabati nga ba niya. Araw ng kapanganakan kase niya kahapon, ayun.. kahapon ko nga lang din naalala eh.
                                            
Nagexam ulit kame kahapon sa Math Ana.. at nararamdaman ko ang nalalapit na pagbagsak ko!! Shox, ewan ko ba. Takot na ko!! Ayoko ng malaman score ko dun!! Grabeh. Yung pustahan nga pala namen ni Lolo Lines, TALO ako!!! Hindi talaga ako makapaniwalang mas mataas score ko sa kanya! Nakoo. Ayoko na!! Haha, pero hindi pa naman niya ko pinipitik sa noo. Mamaya na yun sigurado! Ahuhuhu.. (minamalas ata ako). Ayoko talagang maging highest, coz if I got a low score, masakit na nga na mababa siya, makakadagdag pa yung pagtingin ng iba, edi mas masakit yun dibah?! Saka ayoko ding pinapansin ang score ko, nakakahiya kaya.. nakakapressure lang. (I hope someone understands me!)
Grabeh! Siguradong mahahaggard ako ngaun! Sa Intro to I.T mangangapa na naman ako! Sa Filpino report ko, pati din sa maarteng Humanities class na yan! Nakoooooo.

No comments:

I want to hear from you! Say it here

Powered by Blogger.